Quote/Question/Theory of the day:
"Mahahanap mo ang katuturan sa hindi paghanap..."
sumthing like that, but you get what I mean... kinda...
Talo ang juniors... ouch... kawawa uli ateneo... pero nothing to be ashamed of. They fought hard, we cheered hard. Kapos lang. We fight or die fighting! respect, pare...
I'm out of sync lately. Inaantok, tinatamad sa sofa, music, fil, math, TD... haaay... (sori gab kung wala pa kong pakinabang sa mga proj natin. babawi na lang ako... sori talaga...) Plus, sabi ng college peeps, walang kwenta raw ang HS arnis... Tamad, mahina, walang puso. Bwisit kaya pakinggan yun. Tinotodo mo na nga, tapos kulang pa? Konti lang yung todo namin? O hindi pa todo yun? Sabi ni pride ko, wala akong dapat ikahiya. I give my all. Pero sabi ni katotohanan, may ibubuga pa ko. Kulang pa. At tama, kulang pa. Kulang sa training, kulang sa initiative, kulang sa puso. May commitent, pero inconsistent naman. May tiyaga, pero katiting sa tiyagang pinakita nili. Bakit ba? Puros aral, TV, at computer kasi eh. (hindi babae. Wala na kong problema dun). Sabi ni sir Nate, sana wag kami magquit, o maging magalang sa pagquit, dahil sa sinabi ng college peeps. Bakit quit kagad? Bawal ba magbago? Laging may pagkakataon, laging may bukas na pinto. Dapat lang pumasok ka... Haaay...
Motivation.
Ad Majora Natus
CLASS NIGHT NA!!!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment