Tuesday, October 25, 2005

Wasted yet again

Quote/Question/Theory of the day:
"Kasalanan ni caps kung bakit bangag pa rin ako :P"

Sana lang hindi ako magkasakit sa fieldtrip...

Ansaya nung Family Day! Kahit ndi ako ganun nakalaro nung games, ok lang. Panalo, pare. Scary si kid balma! Panis niya si ferdie, si daez, kahit si balma mismo. Sayang yung team agas... Ang galing nung mga kids! Talo ni little favis si jeri! Ang kulit nila maglaro :) Pero ok lang, fun fun lang naman. Kain - laro. Sobra laro. After kasi nung mismong events naghamon pa si caps. Takte yan, laro from 1-4, 3on3, tapos 1on1 tapos 1on1 whole court! Tap-out... Pero fun :)

Monday was a bad day. Sobrang sabog ko, bangag, masakit ang ulo, inaantok at wala ng taho sa umaga... Buti na lang light lang yung araw (except math nd physics. Never slia nagkaron ng light session). Lalo na TD! Naging masaya rin ang classroom TD! At buti na lang wala kaming game sa PE, kundi ubos na talaga ako... Haaay... Sarap matulog sa hapon...


Yey! Nakita na headset ko!!!

Wednesday, October 19, 2005

Flop

Quote/Question/Theory of the day:
"Physics is a philosophy of life"

Mas malala pa sa "you can't take math away from life"

You know na napaka-shy mo if pag-ikot mo, nakita mo mga 2meters in front of you isang friend mo na minsan mo lang makita (at grabe ang ganda!), hindi mo man lang igreet. Kaway, hi, tawag, kahit ano, wala. Plus, two times mo nadaanan, wala both times. There's something wrong with you, pare...

Interaction kanina sa arnis. Sablay... Sobra... Pero astig, example of physics in life siya.
Inertia - A body at rest will remain at rest unless acted upon by an outside force. Yung mga kids namin, ayaw lumapit sa kanila until halos tulakin namin sila. Nagreresist ng force. Malakas pa yung friction between them.
Inertia uli - A body in motion will remain in motion unless acted upon by an outside force. Hindi sila tumahimik until halos isa-isahin sila ni coach (nakakahiya yun. more on that later). Tapos, once nagkakilala na sila at yung partners nila (yes, partners. 30+ lang kami. 50+ sila), tuloy tuloy na. Dirediretso na, wala ng friction. Hindi tumigil until umalis na kami.
Addition of vectors/forces - kapag nag-add ka ng maliliit pero maraming forces, it would result in a very strong force. Sa bawat daldal, bawat kakulitan, bawat patak ng ulan, lumalakas yung badtrip ni coach. Equal but opposite reaction nun? Buti hindi todong linabas (nagdarasal na kami for next org day...)
Nuclear fusion - nagkakadikit-dikit ang mga light nuclei para gumawa ng malaking nuclei. Nagdidikit-dikit yung mga ilang boys o girls hanggang maya-maya may malalaking groups na, na puros boy o girl. Pero, buti madalas unstable ang fused nuclei, madaling ibreak-up.

And I got it all (almost) on cam. Pagkuha ng pics pala ang isang nice way to break the ice o magsmall talk. Takteng Sol yan... (1 pic lang pala nakuha ko sa kanya). A good survey of the Mirriam chapter. Conclusion - they're so-so sa looks, pero masaya makasama. Very friendly friends :)


Another light night. G'nyt :)

Sunday, October 16, 2005

Seeing is nothing

Quote/Question/Theory of the day:
"Get yours"

Why not?

Whooohooo!!! Saya sa Footprints! Ang galing ng Bboys! Astig ng Spirit of 67!!! Buckwild!

Mga things of interest (ko) na nakita: Military pipol nagbabantay (kelangan ba talaga?), Sibol boys pinagsisilbihan yung mga tao (mahal ang nachos, rj...) Gelo with his, Berbi and Buñag with theirs, Caps and BA with theirs, Vito and Xavier with theirs (waw...), Mrs Ducepec with anak, Mr Chrisostomo (ata...), mga kids na napakakulit, lolang sumasayaw, nakawheelchair na sumasayaw, sina Tita V at momy sumasayaw (magaling!), raffle ng oven toaster, si tita josie (!) at medyo may edad at maalahas na kalapit.
I'm an observer. Marami akong nakikita pero hangang dun lang

Ngayon ko lang narealize: masyado akong may time sa family, konti for myself. Kahit dun, natali pa ko kina mark kaya banda sa end lang ako nakapag-enjoy... Nakaiinggit na nga yung magkakasama na barkada, mas nakaiinggit pa yung may kasamang date. Kahit pinipigilan kong masenti, at hindi ko na siya iniisip, ayun pa rin eh... Asar... Bakit kelangan ganun? Haaay...


Happy Bday Rachel :)

Thursday, October 13, 2005

Not as you expect

Quote/Question/Theory of the day:
"Because..."

bakit nga ba?

Konti na lang, ayos na first draft!!! Ngayon lang pala ako hindi gaano nagcram ng paper. Takte, 8pages ba naman. Plus may kasabay pang Fil, TD, Math LT bukas... May gad!!! Pero ibig sabihin nun, kaya ko naman pala. Kaya kong magtyaga a little more. Marami pa kong maibubuga! 2 pages na lang... Fight it...

Ang galing talaga ng gobyerno natin (or at least yung bahala sa mga kalye). Ginagawa nila yung isang buong side, mga 50 meter stretch, sa main labasan ng sanville, habang may pasok, na napakabagal, na sanhi ng traffic at init ng ulo. *applause* Dagdag mo pa na hindi naman siya sira dati, at mukhang deliberately nilang sinira para may gawin sila. *more applause* Bilib ako sa kanila...

Medyo disappointed ako nung last uwi namin sa sariaya. Yes umuwi sina lola ikay, at kumain kami sa palaisdaan, pero yun lang. Malay ko ba, pero parang may kulang. Nandun naman yung usual, sina iya, sina gia, maraming pagkain, may bagong shirt, masaya naman, pero parang may mali. Stress? Jaded? Malay. Sori na lang kung may naoffend ako...


Nasan na headset ko!!!

Monday, October 10, 2005

Below expectation

Quote/Question/Theory of the day:
"Gab, mali talaga kapag hinihiritan mo na sarili mo... Mali eh..."

You don't fish using yourself as bait, don't you?

Aliw uli nung CAT. Road safety naman. Astig si Tuason guy. Aliw yung videos nya! (boring kasi yung ford promotor girl. sobra) Basta, aliw yung mga worst-case scenario videos nya. Plus, may Mazda 3 pa na brand new! oooohhhhh.... One of the more memorable CAT sessions. yey

Sagwa nung dota after. 0-8 nung first game tapos basher lang matino kung weapon. Useless sobra. Pero kyut ni pandaren :) At da best si tiny! Epitome of tank. Lapit, sapak at lalayo silang lahat (except kung patay na) Biro mo, kelangan pa 3on1 para may chance na mapatay siya! (on the other hand, yun average-level bboys lang naman kalaban so may effect din yun) Sayang hindi ko natapos... Sana nga lang team player si liban...

Mas masagwa yung mass after. Start yung mass 6pm, dating ako 630. Lakad from worldnet to gesu under the pouring rain. Dam wetness... Tama, wag mong paghintayin ang diyos. Sori po :)

Music practice kahapon. Again, late ako by an hour... Nakakahiya kahit na ayus lang daw (mas nakakahiya na hindi ako nakasaff sa 217. sori Zye!!!) Anyways, matino naman. Nakaabot kaming refrain at cut na yung 3rd verse. Magaling... Matino yung practice pero nagchochoke pa rin... Pero kaya. Kayang kaya. Ayan Gab, bumabawi na ko. Kulang pa, pero it's a start

Entrance exam uli for high school. Sarap tingnan yung kids at pag-isipan, ganyan ba kami nun? Makulit pero tense. Sino kaya sa kanila yung future Aboys? At kami, ineexpect kaya namin na maging Aboy kami nun? Ako alam ko hindi. Iniisip ko lang nun, magiging Bboyy ako, tulad ni kuya. Deliberately ko ngang minali yung ibang english items para hindi ako mapunta sa N. So hindi ako B, hindi ako N, A ako. Wow. Bakit at pano? Hindi ko pa rin alam kung bakit o pano. Basta nandito ako, nagpapasalamat for the 4yrs I'm in my class. I love my class. Siryoso.

Marami na naman akong iuusog ngayon. Yung TD, english, fil, kahit yung post sa pagpunta sa Sariaya. Bukas na lang... Dam sleepy... Sori again...


At oo, manonood na daw ng game3 si Salgado

Wednesday, October 05, 2005

Reaching out, up, but never touching

Quote/Question/Theory of the day:
"Magis: sobrang cheezy pero astig na concept. Do the more; be the more"

Amen

Late na progress report... Late lang dahil hindi napasign... Hindi napasign, hindi dahil supot ng grades, but dahil nakalimutan lang... Nakalimutan dahil sa NBA Live 2006 at Frozen Throne... Naglaro nun dahil walang magawa sa bahay... Walang magawa sa bahay dahil akala walang mabigat na gagawin... Akala walang mabigat na gagawin dahil matagal pa mga deadline nun... Nag-aantay ng deadline dahil nasanay na... Nasanay magcram dahil gumagana siya... Gumagana siya kasi magaling tayo/kami...
Late ang progress report ko kasi ang galing ko... sobra...
Punto niyan? Kelangan ba may punto...?

Patapos na uli age sa Utopia. Nabuhay kami sa bf! Astig! Kahit nagkagulogulo sa ginta, at maraming lumipat, nag-away at nawala, we still be standing strong. At, aabot pa kong 400k nw at 3k land, na never ko pa nagawa. Kahit late-game na, still counts. Nakabibilib ng sarili. I labs my kd!
(if hindi kayo makarelate, na malamang nga, Utopia is a internet, text-based mmorpg. click nyo yung link sa tabi for more details)


Go nikko! Do the flash thing!

Saturday, October 01, 2005

Ahhh...

Quote/Question/Theory of the day:
"Like a lunar eclipse: rarely seen but there's always something special when it appears"

Ang galing!

Waaaaaahhhh classnight!!! All night basket, Advent Childrean, baraha, walang teachers, walang siryosong guidance thingy, walang tulugan!!! oh hell yeah!!!

Problema lang nung mga 2 na. Nang-aaliw na lang sa baraha. Astig na fortune-teller pala yun. Social life, love life, future, lahat! Kaya lang nasa interpretation pa rin namin yung lumalabas, o pinapalabas yung gusto lumabas. May mukhang tama, may possibleng tama, may nakagugulat, may malabo. Pero masaya siya :) Mapapaisip ka sa mga sagot. Sakin, grabe yung mga sagot. Aliw gawan siya ng kwento, pero imposible mangyari :) Pero hindi naman kilala nina berba sila kaya ayus lang :P May pagka-tragic kasi silang lahat eh. Bigla na lang nawala. Itago natin sila sa suits ng baraha. (Magegets ito nina berbs. Quiet lang kayo ;) Kung may matamaan man ako... sori na lang) Si diamond, childhood friend pero never uli ko siyang nakita until a few years ago. Si heart, naging close nung isang summer, pero biglang pinaaral sa chinese school sa Binondo. Si clover, kikilalanin sana nung review classes, pero nawala after a few days lang. Si spade naman, nakilala nung sep, pero wala akong nakuhang contact niya. Nangyari, kay diamond yung bases, mahal talaga ako ni clover pero kay spade ako mapupunta. Wahahahahahaha!!! Haaay buhay... minsan malungkot, minsan masaya, madalas malabo, laging astig
isa pa
wahahahahahahahahaha


Banned for life yung bumatok kay arwind!!!