Sunday, December 25, 2005

The Ultimate Crash!

Quote/Question/Theory of the day:
"For God so loved the world, He gave us His only Son"

Today is Christmas Day. Let there be peace on Earth and joy to humankind. Sana yung mga wish natin, simulan na nating gawing totoo :)

Hotel Intercon is the illest! Cool rooms, fluffy beds, tender pillows, warm blankets, relaxing bath tub, mind-blowing food! Hindi lang nga kami naka-swim, though. Nacontent na lang ako sa fireworks display at all-night computer (dota, nfs, unreal tourney hehe). Pero of course, it was all meant para all-together yung mga pinsans. Whataway to do that! Salamat talaga sobra tito jerry!!!

After Intercon, bday party naman ni lola meñang. Always hate it when maraming nandun na pinsan mo raw pero hindi mo kilala at never mo pang nakita... Anyways, ginawa kaming cameramen ni tito jerry. Bad news was that hindi ko naenjoy/naabuso yung food. Good part was handling the videocam. OMG! 800x zoom, autofocus, 4+ megapixels, diretso write sa 30min na dvd-rs at sobra liit at masarap sa kamay. Ahhh... At dahil bday nga ng lola yun, pinaperform bawat bata. Sina Gia at Gini kumanta, tapos sinama kami sa Big Brother dance thingy. Todo-bigay! (si gini lang kasi may alam so lahat kami nakatingin sa kanya XD) And so, Happy Bday Lola Meñang!

Kaya lang, hindi pa tapos yung araw. Pag-uwi, xmas party naman sa bahay with the Crame peeps. Kukulit ng mga bata!!! (at nung hindi masyado bata) Fun, busog party. Pero after... ugh... Nightmare to clean-up... Oh well...
Merry Christmas!!!

And as an Aboy, Mary ChristMass to everyone!!!

Thursday, December 22, 2005

Few and Far in Between

Quote/Question/Theory of the day:
"Like a lunar eclipse: doesn't come often, but when it does it's usually special."

For some reason, kahit naolats kami sa ani mo, hindi ako malungkot. At first oo, syempre, pero mabilis nawala yung asar. Just having fun :)

Hindi ko malilimutan yung last Christmas party ko sa high school! Una, yung sumayaw yung admins! Si malilin, si fr rb, si fr kit, si mrs O, at si fr ampil!!! OMG talaga! Then, dumating pa parokya!! (apat lang, pero ok na yun!) Yey photo ops! Pero, pinakatouched ako na maraming nakigulo sa amin. For the gifts and even just being there, thanks :) Buti na lang hindi nyo na kami nakitang sumayaw

Choke si tej on tv! wahahahaha! Pero still, ang galing talaga ng dokyu nila at nina cai. Asar lang na late na pinalabas kagabi. O whell

Hotel Intercon kami bukas!

Sunday, December 18, 2005

Too Much

Quote/Question/Theory of the day:
"Awit ng Kabataan = Losi?... ROFL!!!"

Gusto ko na magbreak!!!

Sayang yung ani mo ani ko nung fri. Daming olats, nakakaasar... Lalo na yung sama-samahan! All that for nothing... Dasal na lang na respectable labas namin... At least masaya yung fun run XD

Haaay problematic na naman arnis. Problema sa transition, sa current batch, sa immediate future, sa isang tao... Puta...

Ansaya ng spotlight! Kulitan, gaguhan, "lambingan" and everything. May awit ng kabataan nga! Kaya lang yung back-up dancers... :) Magaling naman silang lahat, nakakaaliw. Masama ang cock mint at extendable poking stick... At ang chit system nila... At ang heart-attack.. lalo na ang heart-attack (game sa baraha, hindi yung sa puso)

Kainan uli sa greenhills. Ahhh bondat... At kantahan :) Nagsolo pa si kuya sa caroling nila! At takte yung mga cake... Heaven grabe...

At after pa, chrismas party naman ng prulex. Kain uli, pero hindi masyado marami. Bonding lang with the peeps... At yung ISA dyan na hindi nagpapakita... :) At uli, magandang icebreaker ang camera hehe. Salamat na hindi pala malamig sa akin si rachel. Ako pala yung malamig sa kanya... Hindi na ko excommunicated!!!

Thursday, December 15, 2005

Today is Saturday

Quote/Question/Theory of the day:
"Magastos maghintay from 1 to 830"


Today was a so-so dota day. Just above 50% kills and death ratio, hindi rin naman nagdominate. Masaya lang makitang nagtatakbuhan sila pa dumarating ka (at yung frustration ni lantin na hindi ako mapatay :P) Pero grabe, da best yung strat ni daez! Creep overrun - the 10 minute push!!! Pero sayang nung umalis na si daez. Na-overrun ng mga gayot na bading

Nakapagsimbang-gabi rin ako. Well, nandun ako, pero medyo wandering ang utak... Anyways, maganda naman siya (takte! ang galing ng sibol!!!) Nakasama ko pa yung ACLC peepz ni kuya. One veeery big family to say the least :)

Ani mo Ani ko na uli!!!

Tuesday, December 13, 2005

The Real Deal

Quote/Question/Theory of the day:
"Simbang gabi, simbang gabi! Magsisimbang gabi kami!"


Agh... Sakit pa rin ng katawan ko...

Saya ng Ani mo Ani ko! Having fun while winning. Hindi siya kinarir, pero successful. 3rd (o baka 2nd pa) sa krismaskipaps at 1st si rye! Yung adventisment winnable pero yung body-caroling thing dinaan lang sa pure tarasque hehe. Sana we can keep this up sa fri.

Exit interview ko kahapon. Marami na ngang nagbago sakin in 4yrs sa hs. And this time, hindi ko na binola yung nag-interview. And in that short moment, bumalik lahat ng experiences ko sa hs. Kung hindi lang yun interview, nasenti na siguro ako...

Saturday, December 10, 2005

The Reignman Cometh

Quote/Question/Theory of the day:
"masdan mo ang aking mata
di mo ba nakikita
ako lumilipad at nasa alapaap na
gusto mo ba'ng sumama?"


Grabe kaninang lunch. If may time lang ako, bondat na dapat ako. Nung banlaw xmas party, kain. After nung kids-at-work, may food. Paalis ako ng hs, lunch ng days. Pag-uwi, kain uli. aaah! This is the life...

Masaya nung banlaw xmas party. Akward, yes, pero fun pa rin. Lalo na nung games! (addic sa big brother) Dami pang food!!! Pero most of all, get-together yung event. Sayang na maraming atenista wala dun. Miss din pala nila ako...

I sure hope successful yung kids-at-work. Scary yung aftermath niya. Daming kalat, deflated balls, frayed nerves. Lalo na nung late nalaman ng combat sports, arnis included, na sila in-charge sa cleanup... something. Something tells me this will be a good discussion piece.

And a small note about my report card. Again, 3.25 lang. Hindi pa rin ako maka-2nd honor! At least, I got an A sa math. I've never gotten an A (except media. that don't count), and to get one sa math... inspiring. One last term to go. One last term to let loose, to get exempted sa math, to get 2nd honors (or 1st.. pwede...). One last term of ownage sa HS.

Thursday, December 08, 2005

Sem?...break :)

Quote/Question/Theory of the day:
"La Salle has a tradition of winning"

wada o.O

I love this week. Nothing doing :)

Win or lose, its the school we choose. Kahit naolats yung admu legends, fun fun game pa rin :) Sana naman wag maolats yung allstars

Monday, December 05, 2005

Not For the Lack of Trying pt2

Quote/Question/Theory of the day:
"Wag na basket, pare. Tingnan mo pinapanalo natin: handball, dodgeball, agawan base. Dota na lang"


Ayun, sportsfest kanina. Sayang, hindi na nag AvsB finals. Grabe mangarap, noh? Sayang yung talo a M sa basket. Bad game lang talaga. Volleyball kawawa, olats talaga. At least gold sa agawan base, at bronze sa futsal (conx hat-trick!). Tapos ako, total of 2games participated in. Hindi sa ayoko. Marami lang talagang mas magaling sa akin :)

Masaya/Tamad itong week na to. Sayang lang, walang TD christmas party...

Sunday, December 04, 2005

Not For the Lack of Trying

Quote/Question/Theory of the day:
"Isigaw mo sa hangin, tumindig at magsilbing liwanag... liwanag sa dilim!"

Una, props to the AHS Glee Club. Well, talo sila but at least they tried. Talagang mas magaling lang talaga yung ibang groups, lalo na yung Ramon Magsaysay. *applause*

Two weeks na akong hindi sumisimba... Namiss ko two sundays of advent... Something's missing...

Umuwi kaming Sariaya kahapon. Again, maraming pagkain. Yun lang masasabi ko dun (aside from masarap yung pagkain). Maraming pagkain. At again, kinukulit na naman ako ng mga relatives. "Magduduktor ka baga, tutuy?" Haaay nako... I dont know myself either...

Nung morning before, may fun run sa Alabang. And by coincidence (or not), I got #208. Aliw :) Anyways, sarap tumakbo/maglakad kasama sina marky. Nandun kasi yung ultimate motivation (no, hindi chicks. May medyo maganda dun, pero walang chick): free food and drinks. Oh yeah...

I love this weekend...

Thursday, December 01, 2005

Rush

Quote/Question/Theory of the day:
"Take it strong and fast, or just keep hitting weak but constant"

impuls - momentum din pala yan...

Yey, napatay ko rin si roshan, 1 on 1, walang daya. v6.12 normal ai, lvl25 na ursa warrior. May buriza, threads, basher, butterfly, soul booster at rapier. Yup, divine rapier, all 250 damage and 8k+ gold of it. Aliw pa, yung bonus damage ko lang nakapapatay na ng creeps. yun lang :)

Labo ng crinacram ngayon, puros bluebook stuff. Atleast hindi project or anything. Sabagay, kung wala isa, wala lahat. Today is so light...

Tuesday, November 29, 2005

On a Lease

Quote/Question/Theory of the day:
"I'm baaack"


Oh happy day today
Exam ownage (58/60 sa p6, 89/95 sa math), Dota ownage (luna moonfang is scary...) at super light day (balik exams, english pic-taking, td free time). Plus nakabasket uli ako. Oh yeah!

Sunday, November 27, 2005

Whirlwind

Quote/Question/Theory of the day:
"Ustet is teh ownage!"

mmmmmmonster kill!

Ayun, ust exam ko kanina. Was it just me or madali talaga siya? Tingnan mo: gen intelligence simpleng logic lang. Eng napakabasic. Math parang mga 2+2*2 lang. Sci medyo may mga nakalimutan lang, pero 90% sure answers pa rin. Result: pwnage! Dahil ata no distractions. There was this really tall girl, another vaguely familiar girl (yung karoom ko sa upcat ata na nagkaproblem sa permit) and a cuuuuuute little one, but no one exceptional. Nandun naman sina Jorge and some bboys, so medyo fun. Sagwa lang nung parking comlex nila. Biro mo o, school may parking complex ala greenhills! weird...

Nakapunta na kayo sa BF parañaque? As in around the whole place. oh god! Sooobrang laki tapos sobrang layo tapos mali-mali pa directions (mali-mali kasi hinahanap eh...). We spent mga an hour sa paghahanap lang nung clubhouse na simple lang pala puntahan. Pero aliw naman yung party (children's party. weeee!). May clown, may spag, may pabitin! Plus may litson and Kari, was that you? Anyways, eat and run lang naman kami. Fun XD

Before we went home, daan muna kay lola uya, sa manila memorial. Death aniv niya nung isang araw. Ngayon lang ako nakapunta dun ng madilim. Scary!


Woke up 6am, went home 8pm. I hate wearing the same maong for 12hrs straight...

Saturday, November 26, 2005

Deremof

Quote/Question/Theory of the day:
"In an hour, kakalimutan mo na rin mga crinam mo"


Another exam week ends, a new term begins. Last term na sa high school...

Dota yesterday was so-so. Just enough kills, deaths, items. 1win 1 loss yesterday. Good enough.

Ang ganda ng HP4! Nanood kami ni momy kahapon (plus kain sa Cibo. grabe, kakaiba dun... ahhhh...) sa gateway. Maganda siya, kaya lang parang disappointing. Andaming tinanggal, sobrang fast pace and yet umabot siya ng 3hrs! Still, maganda pa rin. Medyo distracting lang - may chinita sa left, may vaguely familiar girl sa farther left, may pretty chick sa right, tapos si hermione at fleur pa. Oh happy distracted day :)

Wednesday, November 23, 2005

Action - Reaction

Quote/Question/Theory of the day:
"It's not all fun and games"


At last, luck finally caught up with me. Bad Dota day today... Ok na yung 1st game eh, Leoric. Kaya lang rm kagad, asar. Next naman Pandaren! pero repick to Magina. Matino-tino... pero kapos. Daming lapses, daming nasayang na chances. Argh

Physics was a breeze. No pressure, no worry. Confident, hindi overconfident. Math na lang...

Tuesday, November 15, 2005

Get the W

Quote/Question/Theory of the day:
"Confidence is a good thing. Overconfidence kills you"


Exams na. Sana hindi ako magchoke. Sana hindi ako masyadong magmadali. Sana mag-aral naman ako. Sana hindi puros dota at utopia nasa isip ko. Sana masagot ko ng matino at maayos yung exams.

Sana talaga naexempt ako...

Sunday, November 06, 2005

Crashy

Quote/Question/Theory of the day:
"Has anyone seen my voice? Its soft, a bit hoarse, and a bit on the low side. I lost it somewhere..."

Siryoso... Wala akong boses...

Sarap sa baguio! Grabe talaga PNB, lupit ng resthouse nila dun. May 7 bedrooms, 7 bathrooms, long table, fireplace, porch, garden, christmas tree at cable TV! Über laki ng rooms , halos 1 bed per person tapos andaming food! Kung pwede lang kain tulog lang ako dun. What a life...

As usual, shopping inaatupag nung girls at grown-ups. Trinkets, ukay, pasalubong, bags, bugs, keychains (pututuy :)) anything. AS usual, boring naman kaming boys, boycott sa pamimili. Malay ko ba, tinatamad lang at wala talagang hilig bumili. Kuntento na lang sa kain at nood ng TV :)

As for me, nagwala uli ako sa cam. 180+ shots in 3 days. May group pics, candid pics, scenery pics, fun pics, vain pics. At magaganda raw! yey! Talaga noh, hindi lang naman ako basta-basta kumukuha ng pics. Marami, pero wala namang sayang. Thanks talaga na may digicam at hindi lang film.

Aside from these, puros tawanan at kainan pa. Nabondat sa rosebowl, star cafe, pasta, inihaw, tapa plus daming coke (at beer. pero konti lang for me. Inubos ng mga matatanda).

At siyempre, laging masaya kapag nagsasama yung cuzins. Wala nga lang nga si kuya, pero ayus lang (hindi na nga namin maalala kung kelan yung last na nagkasama si ate iya, ate gini, at kuya...) His loss :P Kulitan sa baraha, sa burnham, sa kotse, sa kwarto, sa manor. Takte kahit nung midnight na tawanan pa rin sa HBO! Shaun Of The Dead da best!!!
Wahahahahahahahahahaha!!!!!!!!! (sori ah, hindi na ko makasalita eh...)


Haaay... back to school na uli... Hindi ako nakatodo-rest this break (sino ba?), pero at least masaya. Medyo stressed, medyo pagod, medyo walang boses, pero fun XD Oh well, crash-land back to reality...

Thursday, November 03, 2005

Sem...break?

Quote/Question/Theory of the day:
"No rest for the wicked"

At for the hindi ganun ka-wicked

Ansaya nung fieldtrip sa EK, kahit na bilang lang nasakyan ko (dinaya pa kami nung arcade...) Malay ko ba. Asar kasi nung hapon eh, andami ng tao. Kakatamad na sumakay :( Oh well... Fun siya, kahit puros lakad at kulitan lang :) Ganun ba ako kababaw, o hindi lang nasisiyahan sa rides? Who cares? It was a fun day

Pero, anlabo naman nung afterwards. Una, alam ko lang na kakain sa Alabang, period. Naging eat-out sa Manong's/Dencio's tapos party sa Bellevue tapos overnight sa BetterLiving, tapos punta sementeryo, tapos grocery, tapos nakauwi na ng mga 11. O.o Magkahalong "Wada?!?" at "hindi ko na alam kung ano mangyayari" at "dam sleepy..." at "stressed na naman..." at "break ba to? I wanna rest..." at "do not disturb. dam grumpy." Pero all in all, nakaaaliw siya. Sumayaw uli kami nina momy, tita vi, etc! Plus nahila rin si kuya for once! wahahahaha!!! Dam tiring, but dam fun! scary lang yung place (at yung koreanong sumayaw...) pero masaya :) Wag lang madalas, hindi ko kaya yun...

After pa nun (sunday na), punta naman Sariaya. waaah! gusto ko na magpahinga!!! And I got plenty of rest sa travel. Sa kahahanap nila ng shortcut, naligaw-ligaw pa! Mahygash! At least naiwasan namin yung mga sementeryo, mas tatagal pa kami nun. Anyways, puros kain uli (sarap ng crabs!) at laro ng comp yung mga kiddies. Plus, nagwala pa ako sa cam. First time ko uling kumiha ng 160+ shots. Hindi naman sa boredom, nakaaaliw lang talaga :) Fun weekend, pero stress uli nung pag-uwi namin (monday hapon na) Takteng traffic! Nakauwi na kami by mga 10 uli. Can't I get a break this sembreak?!?

Haaay... I felt bad the past few days. Andami kong sinablay, na-let-down, na stress. Break na nga lang andami pang iniisip. Takteng sembreak yan...
Hindi ako masyado nakatulong sa dokyu... sori gab
Sablay din ako dun sa reporting ng music... sori uli gab
Ampangit ng pag-solo flight fo ng IP... sori kimbo at pesci
Hindi ko naaalagaan prov ko sa utopia, tapos ngayon iiwan ko pa sila sa war namin... sori boys
Nastress ko si momy nung punta namin sa sariaya... sori mom
May naagit pa "daw" akong cashier sa mcdo... sori po
Hindi ko nacharge yung cam nung lumabas tayo... kahit maliit, sori mom pa rin. stressed ka na naman
Hindi ko nakayanan yung pt ng arnis last week... sori coach
Hindi ako makakatrain this saturday... sori uli coach...
Wala pa kong nagagawang school work o training this week... haaay...


Bukas akyat kaming Baguio to finish the break... I really need a break...

Tuesday, October 25, 2005

Wasted yet again

Quote/Question/Theory of the day:
"Kasalanan ni caps kung bakit bangag pa rin ako :P"

Sana lang hindi ako magkasakit sa fieldtrip...

Ansaya nung Family Day! Kahit ndi ako ganun nakalaro nung games, ok lang. Panalo, pare. Scary si kid balma! Panis niya si ferdie, si daez, kahit si balma mismo. Sayang yung team agas... Ang galing nung mga kids! Talo ni little favis si jeri! Ang kulit nila maglaro :) Pero ok lang, fun fun lang naman. Kain - laro. Sobra laro. After kasi nung mismong events naghamon pa si caps. Takte yan, laro from 1-4, 3on3, tapos 1on1 tapos 1on1 whole court! Tap-out... Pero fun :)

Monday was a bad day. Sobrang sabog ko, bangag, masakit ang ulo, inaantok at wala ng taho sa umaga... Buti na lang light lang yung araw (except math nd physics. Never slia nagkaron ng light session). Lalo na TD! Naging masaya rin ang classroom TD! At buti na lang wala kaming game sa PE, kundi ubos na talaga ako... Haaay... Sarap matulog sa hapon...


Yey! Nakita na headset ko!!!

Wednesday, October 19, 2005

Flop

Quote/Question/Theory of the day:
"Physics is a philosophy of life"

Mas malala pa sa "you can't take math away from life"

You know na napaka-shy mo if pag-ikot mo, nakita mo mga 2meters in front of you isang friend mo na minsan mo lang makita (at grabe ang ganda!), hindi mo man lang igreet. Kaway, hi, tawag, kahit ano, wala. Plus, two times mo nadaanan, wala both times. There's something wrong with you, pare...

Interaction kanina sa arnis. Sablay... Sobra... Pero astig, example of physics in life siya.
Inertia - A body at rest will remain at rest unless acted upon by an outside force. Yung mga kids namin, ayaw lumapit sa kanila until halos tulakin namin sila. Nagreresist ng force. Malakas pa yung friction between them.
Inertia uli - A body in motion will remain in motion unless acted upon by an outside force. Hindi sila tumahimik until halos isa-isahin sila ni coach (nakakahiya yun. more on that later). Tapos, once nagkakilala na sila at yung partners nila (yes, partners. 30+ lang kami. 50+ sila), tuloy tuloy na. Dirediretso na, wala ng friction. Hindi tumigil until umalis na kami.
Addition of vectors/forces - kapag nag-add ka ng maliliit pero maraming forces, it would result in a very strong force. Sa bawat daldal, bawat kakulitan, bawat patak ng ulan, lumalakas yung badtrip ni coach. Equal but opposite reaction nun? Buti hindi todong linabas (nagdarasal na kami for next org day...)
Nuclear fusion - nagkakadikit-dikit ang mga light nuclei para gumawa ng malaking nuclei. Nagdidikit-dikit yung mga ilang boys o girls hanggang maya-maya may malalaking groups na, na puros boy o girl. Pero, buti madalas unstable ang fused nuclei, madaling ibreak-up.

And I got it all (almost) on cam. Pagkuha ng pics pala ang isang nice way to break the ice o magsmall talk. Takteng Sol yan... (1 pic lang pala nakuha ko sa kanya). A good survey of the Mirriam chapter. Conclusion - they're so-so sa looks, pero masaya makasama. Very friendly friends :)


Another light night. G'nyt :)

Sunday, October 16, 2005

Seeing is nothing

Quote/Question/Theory of the day:
"Get yours"

Why not?

Whooohooo!!! Saya sa Footprints! Ang galing ng Bboys! Astig ng Spirit of 67!!! Buckwild!

Mga things of interest (ko) na nakita: Military pipol nagbabantay (kelangan ba talaga?), Sibol boys pinagsisilbihan yung mga tao (mahal ang nachos, rj...) Gelo with his, Berbi and Buñag with theirs, Caps and BA with theirs, Vito and Xavier with theirs (waw...), Mrs Ducepec with anak, Mr Chrisostomo (ata...), mga kids na napakakulit, lolang sumasayaw, nakawheelchair na sumasayaw, sina Tita V at momy sumasayaw (magaling!), raffle ng oven toaster, si tita josie (!) at medyo may edad at maalahas na kalapit.
I'm an observer. Marami akong nakikita pero hangang dun lang

Ngayon ko lang narealize: masyado akong may time sa family, konti for myself. Kahit dun, natali pa ko kina mark kaya banda sa end lang ako nakapag-enjoy... Nakaiinggit na nga yung magkakasama na barkada, mas nakaiinggit pa yung may kasamang date. Kahit pinipigilan kong masenti, at hindi ko na siya iniisip, ayun pa rin eh... Asar... Bakit kelangan ganun? Haaay...


Happy Bday Rachel :)

Thursday, October 13, 2005

Not as you expect

Quote/Question/Theory of the day:
"Because..."

bakit nga ba?

Konti na lang, ayos na first draft!!! Ngayon lang pala ako hindi gaano nagcram ng paper. Takte, 8pages ba naman. Plus may kasabay pang Fil, TD, Math LT bukas... May gad!!! Pero ibig sabihin nun, kaya ko naman pala. Kaya kong magtyaga a little more. Marami pa kong maibubuga! 2 pages na lang... Fight it...

Ang galing talaga ng gobyerno natin (or at least yung bahala sa mga kalye). Ginagawa nila yung isang buong side, mga 50 meter stretch, sa main labasan ng sanville, habang may pasok, na napakabagal, na sanhi ng traffic at init ng ulo. *applause* Dagdag mo pa na hindi naman siya sira dati, at mukhang deliberately nilang sinira para may gawin sila. *more applause* Bilib ako sa kanila...

Medyo disappointed ako nung last uwi namin sa sariaya. Yes umuwi sina lola ikay, at kumain kami sa palaisdaan, pero yun lang. Malay ko ba, pero parang may kulang. Nandun naman yung usual, sina iya, sina gia, maraming pagkain, may bagong shirt, masaya naman, pero parang may mali. Stress? Jaded? Malay. Sori na lang kung may naoffend ako...


Nasan na headset ko!!!

Monday, October 10, 2005

Below expectation

Quote/Question/Theory of the day:
"Gab, mali talaga kapag hinihiritan mo na sarili mo... Mali eh..."

You don't fish using yourself as bait, don't you?

Aliw uli nung CAT. Road safety naman. Astig si Tuason guy. Aliw yung videos nya! (boring kasi yung ford promotor girl. sobra) Basta, aliw yung mga worst-case scenario videos nya. Plus, may Mazda 3 pa na brand new! oooohhhhh.... One of the more memorable CAT sessions. yey

Sagwa nung dota after. 0-8 nung first game tapos basher lang matino kung weapon. Useless sobra. Pero kyut ni pandaren :) At da best si tiny! Epitome of tank. Lapit, sapak at lalayo silang lahat (except kung patay na) Biro mo, kelangan pa 3on1 para may chance na mapatay siya! (on the other hand, yun average-level bboys lang naman kalaban so may effect din yun) Sayang hindi ko natapos... Sana nga lang team player si liban...

Mas masagwa yung mass after. Start yung mass 6pm, dating ako 630. Lakad from worldnet to gesu under the pouring rain. Dam wetness... Tama, wag mong paghintayin ang diyos. Sori po :)

Music practice kahapon. Again, late ako by an hour... Nakakahiya kahit na ayus lang daw (mas nakakahiya na hindi ako nakasaff sa 217. sori Zye!!!) Anyways, matino naman. Nakaabot kaming refrain at cut na yung 3rd verse. Magaling... Matino yung practice pero nagchochoke pa rin... Pero kaya. Kayang kaya. Ayan Gab, bumabawi na ko. Kulang pa, pero it's a start

Entrance exam uli for high school. Sarap tingnan yung kids at pag-isipan, ganyan ba kami nun? Makulit pero tense. Sino kaya sa kanila yung future Aboys? At kami, ineexpect kaya namin na maging Aboy kami nun? Ako alam ko hindi. Iniisip ko lang nun, magiging Bboyy ako, tulad ni kuya. Deliberately ko ngang minali yung ibang english items para hindi ako mapunta sa N. So hindi ako B, hindi ako N, A ako. Wow. Bakit at pano? Hindi ko pa rin alam kung bakit o pano. Basta nandito ako, nagpapasalamat for the 4yrs I'm in my class. I love my class. Siryoso.

Marami na naman akong iuusog ngayon. Yung TD, english, fil, kahit yung post sa pagpunta sa Sariaya. Bukas na lang... Dam sleepy... Sori again...


At oo, manonood na daw ng game3 si Salgado

Wednesday, October 05, 2005

Reaching out, up, but never touching

Quote/Question/Theory of the day:
"Magis: sobrang cheezy pero astig na concept. Do the more; be the more"

Amen

Late na progress report... Late lang dahil hindi napasign... Hindi napasign, hindi dahil supot ng grades, but dahil nakalimutan lang... Nakalimutan dahil sa NBA Live 2006 at Frozen Throne... Naglaro nun dahil walang magawa sa bahay... Walang magawa sa bahay dahil akala walang mabigat na gagawin... Akala walang mabigat na gagawin dahil matagal pa mga deadline nun... Nag-aantay ng deadline dahil nasanay na... Nasanay magcram dahil gumagana siya... Gumagana siya kasi magaling tayo/kami...
Late ang progress report ko kasi ang galing ko... sobra...
Punto niyan? Kelangan ba may punto...?

Patapos na uli age sa Utopia. Nabuhay kami sa bf! Astig! Kahit nagkagulogulo sa ginta, at maraming lumipat, nag-away at nawala, we still be standing strong. At, aabot pa kong 400k nw at 3k land, na never ko pa nagawa. Kahit late-game na, still counts. Nakabibilib ng sarili. I labs my kd!
(if hindi kayo makarelate, na malamang nga, Utopia is a internet, text-based mmorpg. click nyo yung link sa tabi for more details)


Go nikko! Do the flash thing!

Saturday, October 01, 2005

Ahhh...

Quote/Question/Theory of the day:
"Like a lunar eclipse: rarely seen but there's always something special when it appears"

Ang galing!

Waaaaaahhhh classnight!!! All night basket, Advent Childrean, baraha, walang teachers, walang siryosong guidance thingy, walang tulugan!!! oh hell yeah!!!

Problema lang nung mga 2 na. Nang-aaliw na lang sa baraha. Astig na fortune-teller pala yun. Social life, love life, future, lahat! Kaya lang nasa interpretation pa rin namin yung lumalabas, o pinapalabas yung gusto lumabas. May mukhang tama, may possibleng tama, may nakagugulat, may malabo. Pero masaya siya :) Mapapaisip ka sa mga sagot. Sakin, grabe yung mga sagot. Aliw gawan siya ng kwento, pero imposible mangyari :) Pero hindi naman kilala nina berba sila kaya ayus lang :P May pagka-tragic kasi silang lahat eh. Bigla na lang nawala. Itago natin sila sa suits ng baraha. (Magegets ito nina berbs. Quiet lang kayo ;) Kung may matamaan man ako... sori na lang) Si diamond, childhood friend pero never uli ko siyang nakita until a few years ago. Si heart, naging close nung isang summer, pero biglang pinaaral sa chinese school sa Binondo. Si clover, kikilalanin sana nung review classes, pero nawala after a few days lang. Si spade naman, nakilala nung sep, pero wala akong nakuhang contact niya. Nangyari, kay diamond yung bases, mahal talaga ako ni clover pero kay spade ako mapupunta. Wahahahahahaha!!! Haaay buhay... minsan malungkot, minsan masaya, madalas malabo, laging astig
isa pa
wahahahahahahahahaha


Banned for life yung bumatok kay arwind!!!

Thursday, September 29, 2005

Too much on my mind, too little in reality

Quote/Question/Theory of the day:
"Mahahanap mo ang katuturan sa hindi paghanap..."

sumthing like that, but you get what I mean... kinda...

Talo ang juniors... ouch... kawawa uli ateneo... pero nothing to be ashamed of. They fought hard, we cheered hard. Kapos lang. We fight or die fighting! respect, pare...

I'm out of sync lately. Inaantok, tinatamad sa sofa, music, fil, math, TD... haaay... (sori gab kung wala pa kong pakinabang sa mga proj natin. babawi na lang ako... sori talaga...) Plus, sabi ng college peeps, walang kwenta raw ang HS arnis... Tamad, mahina, walang puso. Bwisit kaya pakinggan yun. Tinotodo mo na nga, tapos kulang pa? Konti lang yung todo namin? O hindi pa todo yun? Sabi ni pride ko, wala akong dapat ikahiya. I give my all. Pero sabi ni katotohanan, may ibubuga pa ko. Kulang pa. At tama, kulang pa. Kulang sa training, kulang sa initiative, kulang sa puso. May commitent, pero inconsistent naman. May tiyaga, pero katiting sa tiyagang pinakita nili. Bakit ba? Puros aral, TV, at computer kasi eh. (hindi babae. Wala na kong problema dun). Sabi ni sir Nate, sana wag kami magquit, o maging magalang sa pagquit, dahil sa sinabi ng college peeps. Bakit quit kagad? Bawal ba magbago? Laging may pagkakataon, laging may bukas na pinto. Dapat lang pumasok ka... Haaay...
Motivation.
Ad Majora Natus


CLASS NIGHT NA!!!!!

Tuesday, September 27, 2005

And the band plays on...

Quote/Question/Theory of the day:
"Ano sa Ingles ang pitik?"

Ano nga ba?

Medyo light day ngayon. Balik Math LT, lab, konting sofa, at TD lang

Asar sa LT. Choke, grabe! Masyadong naging mayabang... Ndi napag-isipan yung sa always-sometimes-never... 6pts yun oh... Tuloy, stalled yung impossible dream. Dam! Frustrating na nadalian dun sa application pero naoverlook yung sa iba... Bawi na lang, as usual. Ngayon lang ako masaya na pwede 5 LT sa isang term.

Haaay TD. Sobrang akward today! Maikling periods, malabong discussion sa home visit, umiyak pa si Julius... Haaay si Julius... Tama nga, bata pa lang sila. Shy, ndi magets madalas, daming pinoproblema... Pero kaya naman maayos, at least... After a while ok na siya :) Tumatawa na uli. yey :)


Masama ang dota... Mas masama yung pumipigil sa pagdota... Lalong masama yung gumagawa ng masama para itigil ang dota at hindi mahalatang masama yung nagawa nila...

Monday, September 26, 2005

After everything, yun lang?

Quote/Question/Theory of the day:
"Ad Majora Natus"

We are born for greater things

Work work work
No time to think, just do it... Wrong
You always need time to be thinking. Or else, anung klaseng tao ka? Natural daw na tanga ang tao, sana wag lang nagpapakatanga. Wag magpapakahon sa iba, sa sarili. Mag-isip, magnilay, mamilosopo. Astig siya, pare... (would you believe sa wake ko ito napag-isipan. Ganun siya kaboring at kaexciting)

Wake nga pala ngayon ng tito richard ko. Malungkot, pero that's the way it is. Astig pa naman siyang pulis. (may bandila pa sa kabaong niya... wow...) Pero yun, yun lang. Malungkot, pero walang tama. Sad, really... Kaya ngayon, imbes na maunify yung families nila (medyo malabo yung relationship niya sa sister niya), as is pa rin. Magulo yung elders, kahit nagegets na ng mga anak nila yung nangyayari. Sad, really... RIP na lang, tito. Sana wag mo silang multohin.

Extra note sa burol. May dumating, mga "professional" taga-dasal ata or sumting. Led na isang old lady. Anyways, pinakaprayer nila, parang about sa passion and death ni Christ. Ndi ko maalala yung exact lines, pero parang dahil pinahirapan si Ka, ipayapa mo ang kaluluwa. Dahil naghirap ka, mas maaawa ka pa? O.o Wala, weird lang. May explanation naman siguro, ndi ko lang pinag-iisipan. Aliw lang

Daming food, daming makukulit na bata, daming taga-neighborhood nilang hindi ko kilala, daming "relatives" na hindi ko kilala, daming local politicians na dumating (kasama si Mayor JV Ejercito at Councilor Bobby Yan). waaaw...



and again, wala akong sasabihin about sa Ateneo seniors. Go juniors na lang!

Saturday, September 17, 2005

Show and Prove time

Quote/Question/Theory of the day:
"A single bad game doesn't make TMac a bad player"

Tama...

Dam, I'm hot... Siryoso, mga 40 degrees Celsius. Bwisit talaga magkalagnat. Sure hindi ka papasok, pero bwisit kasi masama ang pakiramdam mo. Giniginaw, masakit ang ulo, mahina, ayaw kumain. Sucks pare. Sa panahon ngayon, bawal magkalagnat, o magkasakit. Ngayon nga, hindi pa ko 100%. Partida pa sa Acet

Bakit ba nakatatakot acet? Dahil lang naman hindi mo alam ang mangyayari. Fear of the unknown. Fear na baka magchoke, hindi makasagot, matanga. Takot na kulang ang hinanda mo. Takot na "PUTIK! Acet na!!!" Tama. Pero tanong uli, bakit nakatatakot ang Acet? Alam mo naman talaga yung lalabas eh. Nagreview ka naman. Marami ng nagsabi (sa akin at least) na hindi naman ganun kahirap pumasa. Nagsasabi na "Husss. Kaya yan noh" Confidence lang, pare. Show and prove time!
Wala na akong sasabihin tungkol sa Ateneo-LaSalle game. Sucks pare.

Tuesday, September 13, 2005

Almost game-time

Quote/Question/Theory of the day:
"Quietness..."

tssss....

Ahhh... Sarap matulog... bakit ba kasi ako madalas na matulog ng late eh...
Kelangan eh. Time to put some work in, finally. Ngayong 2nd term, babawas-bawasan ko na cramming ko. Not for you, not for anyone else (except si God siguro), but for me. Ako naman napapahamak sa cramming eh, more than anyone else (except pag group thing). Time to work.
To dream the impossible dream. Masarap, at mas masarap pag nagawa mo. And that I dream to do. The impossible dream - to be exempted sa math. Kagaguhan? Medyo. Kaya? Bakit hindi. Kung kaya nina berba (hail berba), nina tej, siguro naman kaya ko rin. What do they have that I don't have? Why not?
Aliw nga pala kanina sa TD. Aliw na aliw yung mga kids sa mga Aussies haha! Tapos kami naman, uber-shy... May napakalaking gap sa jeep, hindi lang makita. Pero astig sila, in a way.


Malaki pang kelangan itanda ni kyle at teo. siryoso... at ni ino na rin (if hindi niyo sila kilala, busmates ko sila. basta)

Monday, September 12, 2005

Whoooooooooooo!!!!!!!

Quote/Question/Theory of the day:
"Bakit pa may grandparents' day if may mothers'/fathers' day na?"

Pero masaya naman si lolo en lola this weekend, kahit wala sa plano namin ang grandparents' day


The FEU machine can be stopped!
At kaya pala ng Ateneo pigilan sina kuya arwind! hustle lang, at utak, at walang bwakaw (ehem jc...). At, ibigay kay Lt kapag may problema. LA is the way baby!
Ang galing, siya lang may upuan pag time-out. ganun siya kagaling

On the other hand, nakaupo uli kami sa La Salle side (DLSU AdU kasi yung game before). Astig drumline nila! dapat yun na lang ginagawa ng babble. masyado silang siryoso pag halftime eh (at masyasong... mataba...)

Ech... wala na akong boses... dapat wala ngang pasok bukas...


Pahamak ang Frozen Throne, C&C Generals Zero Hour at Diner Dash sa buhay...

Saturday, September 10, 2005

Nahuhuli

Quote/Question/Theory of the day:
"A lang ang ay pakialam lang sa dyaryo drive"

at lahat gagawin ng A para manalo...

at last, may masayang CAT session
(kahit si nic naghandle, ok na rin)
super firedrill!!!
complete with lecture ng firemen/firefighters (what's the diff ba?), equipment and firetruck!!!
plus basaan so extra fun!

dumating din yung 3tons ng dyaryo. scary yung dami... nakamamatay!
sana rumors lang yung may 5tons...
last time ko na magtali, maglabel at magbuhat ng dyaryo. mamimiss ko yun... lalo na yung may napakaraming dyaryo at tulong-tulong magbuhat. tapos salpok sa likod at instant higaan! or pwede ring pangbarricade

At of course, yung alay. last time ko na rin nanood as a HS student pala. magaling sila. sobra. (sori lang sa AHS glee club. maganda yung song nila, pero sila kasi yung nauna, so hindi ko na maalala... sori pao :) )
grabe talaga yung college glee club. wow... galing si joshy!
pero da best yung choir ni ma'am tikya. as much applause as acgc!
sayang lang wala yung chamber singers (at si jimmy bondoc. nasan na kaya yun?)
special mention din yung group na kumanta ng anak. can't describe it, you have to have seen it... *blown away*

haaay weekend, love the weekend. love the rest. love the ADMU vs. FEU!!! may tickets kami!!!


astig summerslam

Thursday, September 08, 2005

Back to work

Quote/Question/Theory of the day:
"I was a scalar until you came along and made me a vector"

corny talaga ni crisostomo...

ano na ba nangyayari sa pilipinas? gusto talaga nila sirain muna bago maging alahero si pao? please wag!
bakit ba imbes na magtulungan ayusin ang bansa, nagtutulungan sila para sirain to? don't they get it?!? o baka naman may nakikita silang iba, na hindi natin nakikita...

I have all the time in the world, pero lagi kong sinasabi na wala akong time. O.o
hindi ko pa rin naoover-come yung katamaran ko. grabe, simula pa lang ng term, tamad na! pero kaya ko naman maging magaling eh. ayaw lang. walang motivation. hirap kasi maghanap ng motivation eh
pera? who needs money
bagong stuff? I probly won't use them anyways
yung "someone"? problema lang kung mawala siya
oh gad....


grabe, sablay pa rin pala yung naka-set na time o.O

Sunday, September 04, 2005

It don't stop!

Love the weekend
Umuwi kami sa province. boring? no
puros pagkain! oh yeah!

tapos kanina, kain uli sa labas
ahhh... what a life

pero back sa province
boring lang kasi wala yung other cuzins. nandun lang yung kiddies so ako tagapagbantay :(
pero kahit angkulit nila, fun pa rin :)

Nakakaaliw makakita ng two women in their 40s engaged in very kilig girl talk
Very very fun to watch hehe

It is very hard to connect being an artist with being tipid
Nagpapagawa yung tita ko na painter ng bahay/retreat house dun sa farm/vacation place nila
sabi niya "simple yet elegant, maganda yet under abt 2M"
dam that's hard. very
that's life :)
(pero maganda yun place! nasa foot ng mt banahaw. pang retreat house nga)


masarap matulog sa likod ng starex :D

Friday, September 02, 2005

Oh Happy Day!

YEY! Itsh my Birthday! YEY!

So happy today (aside from its my bday)
Una, nakasimba ako in the morning
first time this year
Then, isang exam lang
kahit physics siya
After nun, quick na POW (bwisit na cheese... but that's ok)
And the fun begins!
First, quick game ng basket
bad game, pero fun
Tapos, dota, after a long long time
mmmmmonster kill!
dominating!
god-like!
beyond god-like!!!
upak Bboys!
I Iabs you darnit
at si Zo, grabe si Zo! Kinaya namin 3v4, tapos 2v4 wahahahaha
love the Heart XD

pero palagay ko once a year lang nangyayari tong day na to (last year huli nagkaganito, nung first time tayo/kami nagdota)
pero fun
at nalasap XD

ahhhhh....
- End of 1st term -

First of the month

Exam ba yun? parang mahabang LT lang...
P6 na lang bukas!!! that'll be quick
plus POW, plus Hatid, plus malay ko kung ano gagawin ko for tom (bday ko if you don't know). dami pa pala...

May bago nga pala akong fone, 2300 if ya don't know
tawag, text, radio. simple, magaan. mura hehe

Haaaah... love to sleep...
Sarap talaga pag maaga...
love to sleep...
zzzzzzz

Wednesday, August 31, 2005

At long last

Kelan last post ko dito? oh well...

Mamimiss ko talaga si banal, kahit walang kwenta media class
astig lang siyang tao

Scary pala ateneo once gumagawa na yung bench. Matakot na kayo pag gumagawa na si quimson!
Pero mas scary FEU pa rin... sobra...
(aliw, nanood kami ng games nung sun. Ngayon ko lang narining drums ng UP at La Salle up close. That's something!)

lang kwentang GMA pa rin yan. wrong timing yung holiday! pero at least nakapahinga before the exams (as if kulang na pahinga ko XD)

the worst is past! tapos na math!!! yey
nagtataka pa rin ako bakit nagkakagulo after the exam, yung nagtatanong kung anung sagot sa ganyang tanong. babalik din naman eh. don't know about you, pero I'll think about the next exam, rather than balikan yung previous.

Monday, August 22, 2005

It ain't over till its over

LT at media na lang!
plus yung labrep na malabo...

haaay...

asar PE kanina. so short...

love to sleep... sana lang maaga ako nakatulog ngayon...

Sunday, August 21, 2005

Get Away!

sarap sa puerto asul!!!!
...
actually mas masarap yung food kesa yung place
pero still
sarap sa puerto asul!!!!

walang kwentang gma yan... dapat talaga walang pasok bukas
oh well...
back to work...

Friday, August 19, 2005

On a very relaxing day, it all went wrong...

una, sa umaga, sobra aga ko dumating sa 711 (which wasn't that bad...)
tapos, sa may tanghali, lumabo yung sked ko, plus naiwan ko pa fone ko kina zo
then, sa acet form... sablay... sobra... balik na lang uli
after pa nun, nawala ako sa kahahanap kina zo uli
sunod pa, anlabo ng transpo pauwi so naghintay pa till mga 9
in between, pangit ng game sa dota
so nakauwi ako by mga past 10 na... haaay...
at least my Great American Bash XD

see you sa puerto asul!

Thursday, August 18, 2005

Weak-end

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!!!!!
weeeeeeeeekeeeeeeeeeeeeeeeeeedddddddd
na

ahhhhh......

di pa tapos ang paghihirap...

Monday, August 15, 2005

4 days of hell, 4 days of heaven

4 days of hell 4 days of heaven
starting... kanina pa

grabe sabog ng araw. mula pa early morning, to math, to physics, to dry run ng pinoytuntunan...
dammit...

one big fight...!

Sunday, August 14, 2005

Jam-packed

cluster night was fun!!!
sulot lang sa basket (naubos ata sa B at kina convi hehe. panalo naman!)
very educational, at maraming pwedeng pag-isipan...
sabi ng ni sir nate, tumingin ka lang, may matututunan ka na
at sabi ni coach, tama pa rin Noli at El Fili. siryoso...
malungkot pala senti ng mga older people...

aliw pala talaga ACLCers
so nice and so friendly and so makwela!
and so vain, mahygalli!!!
pero saya :)
meet new peeps
natuto pa si kuya magpalit ng gulong hehe

first time ko uling makausap/ym si rachel in sobrang tagal
(inexcomunicate ba nila ako, o ako mismo nagsara?
torpe kasi eh. namiss ko pa AC soiree...)
at least ndi malamig yung talk :)
at tama nga, friends lang
mas masaya kung friends lang XD
next time na "yun"...
...
syet tanda ko na...

Thursday, August 11, 2005

Wasted pare...

grabe, palagay ko nasayang ko tong maagang uwian wahahahahahaha

haaay...

rest now, work the weekends XD

Tuesday, August 09, 2005

yaaawn... ouch

kakatamad td today... sori...

short story ko pa!!!

instant tanagas kanina, aliw :)

my butt still hurts... awww... and my back, and my tuhod...

laptop lapit na XD

Monday, August 08, 2005

Start strong... end flat...

1st monday in a looooooooooooong time
miss ko na PE! pero sakit pa rin sa katawan...

boring day... except pag-uwi
pumapatay ng daga, tapos brownout ng matagal (dahil lang ndi alam na may ilaw na)

much to do...

Sunday, August 07, 2005

Karlo Ignacio Liggayo Gosenfiao

yun na yun!?! tapos na upcat!?!
oh yeah...

go ateneo! one big fight!

may monday na uli :)

Saturday, August 06, 2005

the calm before the storm...

haaay.....

dapat ba tense ako?

Friday, August 05, 2005

haaay... boring ng cat... zzzzz....
miss my flight...

flat uli kanina. dami pang nakakita. arhg...

galing, kung sinabi mong "si ano," alam na kagad kung sino yun ;)

upcat na pala sa sun. yey
"pare, san mag-upcat si ano?" "sa college of law, sumting"

Wednesday, August 03, 2005

light duty. sobra
walang ginawa sa physics, td, media, eng, org
cow dung!

weird nung "Lottery"...

upcat is coming... waaaah... waaah?
ah...

haaay... asar maLSS for no apparent reason...

Tuesday, August 02, 2005

haaay... light duty...

farthest distance sa balloon car!!!
hirap ulitin yun, tapos kelangan pang mas malayo...

aliw yung mga hapon kanina XD

hirap ng on-the-spot change sa lesson plan...
is it just me, or mahirap turuan yung 2nd batch ko sa td?...

Monday, August 01, 2005

Dami kong namiss na days...
notes na lang

fri: all-nighter uli sa alabang. sarap ng food! pero no other kids... si gia lang... kyut ni gia!!!

sat: Bday ni Rye! yey! Astig Charlie and the Chocolate Factory!!! Galing ni Johnny Depp!!!!! good shot si Pao XD XD XD

sun: Visit Lolo Sen. Good day :) Good food :) very hot!!!

Thursday, July 28, 2005

sarap ng military mass!!!
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!!!!!!

ako dapat dun...
some things are just meant to happen... kung hindi pwede, edi wag

love the rest days :)
love my flight!

Wednesday, July 27, 2005

military mass tom

lesson plan mamaya, plus kotse pa... medyo konting work lang

asar talaga pag ikaw nagpapahintay sa iba...

marami palang naiisip pag mag-isa sa bus...

Tuesday, July 26, 2005

ansaya today!!!
everything was, and is, going bad... and naayos din :P
exciting!

haaay... sarap ng hapday... sana hindi ko to masayang :P
back to work

bakit andami kong naiisip na isulat sa blog, pero pag nandito na... blank...
asar...

sana tumino na ang bansa...

Monday, July 25, 2005

bakit ba kelangan laging may kumukontra at ayaw tumulong?
ndi ba pwedeng magtulungan yung mga politiko habang nagkakagulo?
haaay pilipinas...

at least exciting :P
uy sona ngayon... walang PASOK!!!

work, work, work... love to work!
asar talaga ako na supot pa rin offence ko sa utopia... waaaaaaaaaaaaaah!!!

astig, ngayong wala na si bro cis, mas madalas na akong mag-God thought
does that mean anything?

crashy-weekend! pan for ol!
...
ndi pala ako naka-post kahapon... oh well...

Saturday, July 23, 2005

another all-nighter at alabang... bangag pa rin
bakit ba daming vain, kahit sa pagkuha lang ng pic nila
at sa pagtingin nung pic! oh my gulay!

asar talaga pag daming gulo at ndi nagkakaayos na matagal ng inayos pero sablay pa rin... haaay... well, lesson learned na sana
naaaliw na ko sa delta2... kulit sobra! lalo na si jaque!
wala pang unity, at proud!

yey long weekend! jason mraz thing again
Sleep all, we sleep all day...

Friday, July 22, 2005

asar yung 3hr CAT
pero da best Delta2! Saya sobra nung flight, lalo na ni Jax (supot si grihalvo!)
walang pasok sa monday!!!

Thursday, July 21, 2005

Just got home... sleeeeeepy...

Binalik na yung secondary forms... #20 ako... yey...

20 lang?

at least hindi kasama yun 4th year grades... downward spiral namputik...
friggn math...

CAT bukas, 2-5... boring nung bagong flight...
haaay...
zzzzzzzzzzzzzzzzzz
Just got home... sleeeeeepy...

Binalik na yung secondary forms... #20 ako... yey...

20 lang?

at least hindi kasama yun 4th year grades... downward spiral namputik...
friggn math...

CAT bukas, 2-5... boring nung bagong flight...
haaay...
zzzzzzzzzzzzzzzzzz
Just got home... sleepy...
Binalik na yung secondary forms... top20... yey...

20 lang?

at least hindi kasama 4th year grades... grabeng downward spiral... friggn math...

CAT uli bukas, 2-5... boring nung bagong flight...

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz